Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng Pilipinas
Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas . Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.
Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas.
Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.
Isa rin siya sa naging Gabriella Silang ng kanyang panahon. Hindi natakot humarap sa mga kalaban at may sariling paninindigan. Walang takot din sa pagharap o pagtanggap ng mataas na posisyon upang makatulong sa kanyang mga kababayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento